Photobucket Photobucket Photobucket

Saturday, June 5, 2010

Welcome To College Life

     Grabe one week na pala mula nung first day ko sa college. Magkahalong saya at lungkot ang nafeel ko. Masaya kasi new friends, new environment, new life. Pwede akong magsimula ulit. Pero malungkot din ako in some way kasi syempre miss ko pa din ang SIMON! Miss ko yung bonding tawanan at super asaran. Minsan naisip ko, ang bilis nga pala talaga ng panahon. Parang kahapon lng nung una kong sinabihan si alyssa ng "miss" sa classroom ng therese.. Hindi pa kame magkakilala noon. At "ate" naman ata ang tawag ko kay czarina noong first day sa 3rd year. Syempre hindi ko rin maalis sa isip ko ang "chakas" ng cute na cute na si jerald at ang computer wizard na si jervy. Hindi rin mawawala ultimate baka moo ng klase, si janedel. Ang dame nangyari these past few years sa High School. Nabuo ang untitled noong ezmo year. Ang daming experience mula sa salabat at paginom ng itlog na hilaw hanggang sa pagtambay sa rooftop nina carla at pagmasdan ang view ng "moon cheese." Tapos nagkaroon din ng madameng stage competitions. Hindi ko ineexpect na magiging close ako sa iba. Natuto akong magopen up at makihalubilo. Isa na sa mga napagsabihan ko ng super secrets ko si lovely, "bitter" kung tawagin. Masaya ako kasi naging parte kayong lahat ng nagbabasa nito ng buhay ko.

     May 31, 2010--- Nagsimula na ang "college life" ko. Hindi ko ineexpect na ganito pala siya kaexciting at kahirap. Haha. Tama, mahirap siya. Pero buti na lang madali akong nagkaroon ng kaibigan kasi friendly naman yung karamihan. De La Salle University, akala ko maarte ang mga tao dito, at syempre pure sosyaleras at sosyalero. Jan Di ba? OO. Akala ko ganun nga. Pero mali lahat ng iniisip ko. Hindi naman lahat ay ganun, madame din namang mapagkumbaba at ayun nga, mabait at friendly. I feel so happy. Ok naman din ang mga blockmates ko. Halo-halong lahi nga eh. May Koreano, may Tsino, at syempre mawawala ba ang mga Pilipino? Medyo nakakagulat lang kasi sa 43 na estudyante sa block namen, 9 lang ang babae. Amazing ba? Ganun daw kasi talaga pag "engineering." Speaking of engineering, mahirap daw talaga. Nandyan ang iba't ibang uri ng math, kasama na ang college algebra at syempre trigonometry. Hindi rin mawawala ang physics sa mga pag-aaralan. At ngayon, kasama sa mga subjects ko ang filipino at english na din. Siya nga pala, ang saya ng PE ko. Taekwondo. Ayos no?

Grabe, andame ko nang naging bagong kaibigan. Mapa-YM at Facebook, super dame ko na kilala. although strangers pa din kame, kahit papaano ay may way of communication na kame. That's a good start diba? Sana nga eh mas maging maayos pa ang relationship namen sa isa't isa. Hay, college nga naman. Masaya nga pala sa school namen kasi ang dameng artista. Nakita ko nga si Kuya Kim nung Lunes e. haha. Wala lang share ko lang. Hanggang dito na lang ang blog ko. Sa buong college life ko, promise ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa kahit na sino. Kailangan mag-aral at magseryoso. Sana ganun din kayo. Hehe. Danica, signing off.. :D


5 comments:

Anonymous said...

you can't foretell your future. di mo alam kung kelan ka nakatakdang panain ni kupido. HAHA! Good luck sa college! :)

fuzzydanica said...

HAHA! ty bonjob! :D kupido ka jhan =))

14Lovely23 said...

anung bitter??? hahaha dba ikaw un??
i agree with bj... ung last part ng blog... wuuuu hahaha.. g**n*!!

Anonymous said...

"although strangers pa din kame, kahit papaano ay may way of communication na kame. That's a good start diba? Sana nga eh mas maging maayos pa ang relationship namen sa isa't isa." di ko gets to. hahahaha. out of the blue e. would you mind explaining? ahee hee. xDDDD

fuzzydanica said...

grbe natawa tlga ko ay jords nung nagusap kme sa YM.. "kame" refers to my blockmates and I.. hahaha!

Post a Comment