"Why do I always lose things?"
I can't seem to answer this question myself. Siguro nga "burara" lang talaga ako. Haay, grabe naman. I've been in college for 2 weeks na, just 12 weeks to go na lang. Pero bakit ganun? Ang dami ko na talaga atang nawala. #1: Yung binder ko. Buti na nga lang nabalik eh. Although wala masyado nakasulat dun, sayang kasi e. #2: Yung yellow pad ko. Ang swerte nang nakakuha grabe. Ilang leaves pa kaya yun. #3: my favorite bookmark. Mahalaga sakin yun. Sana kung sino man ang nanghiram ng libro ko ay na sa kanya lang ang bookmark ko. Sana talaga hindi siya nahulog kung saan. Super importante kasi yun saken, part na yun ng High School life ko. Nagpasalin-salin na siya sa mga librong nabasa ko, at ngayon nawala lang siya. It's entirely my fault for leaving it in my book. SAD, super. And I just can't get over it.
"Why do I have to be such a loner sometimes?
Life is so unfair. Kung kailan close na kayo ng old friends mo at super lalim na ng relationships nyo sa isa't isa , kinakailangang magmove-on for the next chapter of your life. Bakit nga naman kasi kailangang maghiwa-hiwalay, di ba? Well, you all know the answer. We have different aspirations and roads that we should take. Life is so unfair, inuulit ko. Bakit nanaman? Makulit ba? Kasi naman, sa bagong pahina sa libro ng buhay ko, ang hirap maghanap ng taong sasama sayo sa oras na nalulungkot ka. Although merong konti sa mga bago kong kaibigan eh "loner" pa din ako minsan. Akala ko kasi ok na ko during the first week or whatsoever. Pero lately, naranasan ko nang maglakad magisa at maging super tahimik sa sulok. Siguro nga nakagawian ko na yun. Pero I admit, lumawak nga ang mundo ko.
"Why are my dreams like this?"
Note: If you're not interested, don't read this. Actually, my dreams are giving me headaches. Ang weird talaga as in super. Hindi ko nga alam e, nakakainis. Wala naman kasi ako talagang interest sa lalake ngayon tapos sila pa yung nasa panaginip ko? --i won't mention names, but these are my dreams-- Hm, yung una eh, may napanaginipan akong ka-block ko. Since most of you don't know him, he's one of the smartest talaga. Pero ang weird kasi pumasok siya sa panaginip ko. We were on our way to somebody's house and we were walking together. Tapos bigla niyang sinabi, "Bakit mo ba ko gusto?" WEIRD. haha! Tapos nagsmile lang siya. Yung second naman, (lovely, kilala mo toh. PM mo na lang ako kung gusto mo :D) parang ang weird ng settings, I don't remember much details ha. Pero lumabas kami galing sa isang building eh, kasama ko ung friends ko sa block, two girls and a boy. We were sitting on the road, tapos ewan ko kasi ang emo ko nun. HAHA. Parang malungkot na ewan? Tapos eto nanaman yung isa pang lalake na kablock ko. Biglang lumapit at sinabi, "Nica, okay ka lang?" Yep. Nica. I wonder why in the world would he call me that? Eh in reality, hindi niya ko kinakausap, except lang kung may kailangan siya. Then I said, "Nica kasi?" Hanggang dun lang. Pero natawa talaga ko nung nagising ako. As in. Ayy eto pa pala. One of the weirdest dream in my entire life. Kanina lang tong afternoon actually. Nasa DLSU daw ako, and may new classmates kame. Sila ung mga grade school friends ko na super mag-iwan ng messages saken sa facebook. Ang weird tapos close daw kame (note: hindi kame ganun kaclose) lahat. Ayun lang. I hope you find all of these amusing? Kasi para sakin, oo.
--Pasyensya na kung pagkahaba-haba ng mga naisip kong isulat. Gusto ko lang talaga ishare. Actually gusto ko na nga i-private blog ko eh (kahit na wala namang nagbabasa), pero sabe ni bj wag daw. haha! ayun lang. Ingat tayo and thanks for reading this. :)
2 comments:
Baka inlove ka lang talaga. Tinatago mo na lang sa mga panaginip mo. HAHA.
LOL ka oppa.. auko mainlove kasi bata pa ako.. tsaka wala pa yan sa icp ko.. wahehe.. baka napadaan lang talaga sila sa dreamland express ;))
Post a Comment